Takteng boredom ‘to. Killing me softly ang atake. Gusto ko lumabas ng bahay, magtampisaw sa dagat, hayaang ang araw na humalik sa aking mukha, magsaya. Damhin ang tatlong araw na bakasyon.
Pero si weather ayaw makisama. Gusto pa ata bumagyo. Hindi tuloy nakakatuwa lumabas. I am sad.
At dahil buryong-buryo ako lahat na lang pinapatos ko. Takte lang. Pati ang larong Minesweeper na ilang taon ko nang hindi nilalaro eh akalain mong sa wakas eh ginalaw at pinagtripan ko na. Nakakalungkot lang talaga.
Gusto ko sanang simulan sa expert kaso wag na lang pala muna, baka nakalimutan ko na laruin kaya sa beginner muna ako. At hindi naman ako nabigo. Nalungkot lang ako ng beri beri nice dahil inabot pa ako ng ilang minuto para tapusin ang beginner level.
Pero di bale na. At dahil nga kinaya naman ng powers ko ang beginner eh tumambling naman ako sa next level (intermediate). Hindi naman ako nabigo at napuksa ko naman ang mga bomba.
Pero heto expert na. Marami-raming bomba rin ‘to. Pero syempre dahil gusto kong patunayan na kaya kong maging isang dakilang minesweeper eh heto naman ang naging resulta…
After how many years, naglaro ulit ako ng minesweeper. After how many years, heto’t kaya ko pa rin puksain ang bomba. Hindi na nga lang ako ganoon kabilis. Nakalimutan ko na rin ang ibang taktika sa pagsalakay sa bomba. Pero heto nga’t nagbabalik na ako minesweeper. Yeehaaaa!



Like
